PAANO NAGDASAL ANG MGA PROPETANG ITO SINA ABRAHAM, MOISES, HESUS AT MUHAMMAD (SUMAKANILANG LAHAT NAWA ANG KAPAYAPAAN)?
Minsan si Shiekh Ahmad Deedat, isang tanyag na pantas na Muslim, ay bumesita sa Jeddah, Saudi Arabia at kanyang naisalaysay ang isa sa kanyang mga nagging karanasan sa buhay.
Kanyang sinabi, nangyari minsan na mayroon siyang dinalang grupo ng mga Kristiyano at Hudyo na besitahin ang isang Masjid sa Durban. South Africa. Nang pumasok sila sa loob ng Masjid, hindi lang si Deedat ang naghubad ng kanyang sapatos at kanya ring kinumbida ang grupo upong sumunod sa kanya, kaya inalis nilang lahat ang kanilang mga sapatos.
Pagkatapos, ay tinanong sila ni Deedat kung alam ba nila ang dahilan ng pag-alis ng kanilang mga sapatos? Ang sagot nila, “Hindi”, kaya ipinaliwanag sa kanila ni Deedat, nang si Moises ay nasa tuktok ng Bundok Sinai, ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya:
Sinabi ng Diyos, “Huwag kang lumapit pa! Alisin mo ang sapin ng iyong paa, dahil ang pook na iyong kinatatayuan ay isang banal na lupain.” (Exodus 3:5)
Habang ang grupo ay nakaupo at nanunuod, si Deedat ay nagpaumanhin upang magsagawa ng paglilinis (na dapat maisagawa bago magdasal). Pagkatapos niyang maglinis (para sa pagdarasal), siya ay bumalik sa grupo at siya ay nagpaliwanag. Ito ay hindi lang isa sa mga matataas na pangkalinisan kundi ginagawa ito ng limang beses sa isang araw at batayang may kinalaman sa isang kasaysayan. Binanggit niya ulit:
Sina Moises, Aaron at ang kanyang mga anak na lalaki ay gumagamit ng tubig upang hugasan ang kanilang mga kamay at paa.. Kanilang hinuhugasan ito tuwing sila ay pumupunta sa tent para makipagpulong o di kaya ay tuwing sila ay pumupunta o lumalapit sa altar. Si Moises ay sumusunod sa utos ng kanyang Panginoon. (Exodus 40:31-32)
Pagkatapos niyang isagawa ang mga sapilitang pagdarasal, si Deedat ay muling bumalik sa grupo habang sila ay abalang-abala sa panunood sa ibang mga Muslim na nagsasagawa ng hindi sapilitang pagdarasal. Kanyang ipinaliwanag ang iba’t ibang mga galaw sa pagdarasal at ang pinaka-maintriga doon ay ang pagpapatirapa. Sinabi ni Deedat habang nakaduro sa mga nagsisipagtirapa, ganito magdasal ang lahat ng propeta. Kanyang pinatutunayan ang (kanyang) mga sinasabi at binabanggit:
Kaagad, si Abram ay nagpatirapa na nakadikit ang kanyang mukha sa lupa, at ulit, ang Diyos ay nakipag-usap sa kanya,...(Genesis 17:3)
Kaagad, nagpatirapa si Abraham na nakadikit ang kanyang mukha sa lupa...(Genesis 17:17)
Sina Moises at Aaron ay nagtungo mula sa isang pagtitipon papasok mula sa pasukan ng isang tent ng pagpupulong. Kaagad na sila ay nagpatirapa na nakakidikit ang kanilang mga mukha sa lupa, at ang kadakilaan ng Panginoon ay nagpahayag sa kanila. (Numbers 20:6)
At si Joshua ay bumagsak sa lupa ang kanyang mukha (ay nakadikit sa lupa) at nagdasal... (Joshua 5:14)
At siya (si Hesus) ay nagtungo sa di-kalayuan at siya ay nagpatirapa (na ang mukha ay nakadikit sa lupa) at nagdasal... (Matthew 26:39)
Sinabihan ni Deedat ang grupo na alam nilang mabuti ang mga pamamaraan ng mga pagsamba ng mga Kristiyano at Hudyo at ngayon ay nakita nila ang pamamaraan kung paano rin magsamba ang mga Muslim.
Si Deedat ay magalang na tinanong ang grupo ng mga Kristiyano at Hudyo at nagkaisa sa pagsabi, “Katiyakan, ang pamamaraan ng mga Muslim sa pagsamba ay higit na maka-Kristiyano kaysa iba.”
Karamihan sa mga kasalukuyang Kristiyanong nanumbalik sa Islam ay sumasaksi na sa paggawa nito, sila sa kasalukuyan ay mas-mabuting Kristiyano. Ang katagang “Kristiyano” ay simpling nangangahulugan bilang “tagasunod kay Kristo” o di kaya ay “Kristiyano”. Kaya, paano ang mga taong ito na sa kasalukuyan ay namamahayag na mga Muslim at inaangking sila ay higit na malapit na tagasunod ni Hesus?
Dapat na makatwiran nating pag-isipan ito sa pamamaraan ng pagsusuri kung ano ang sinasabi ng Bibliya hinggil kay Hesus. Halimbawa, kung babasahin natin ang Gospel o Ebanghelyo ay makikita natin ang mga paliwanag ni Hesus kung saan siya nagpatirapa na nakadikit sa lupa ang kanyang mukha at binati niya ang kanyang kapwa mananampalataya ng isang pagbibigkas ng kapayapaan, at nag-ayuno ng may kahabaang oras o panahon.
Samakatuwid, marami sa mga dating Kristiyanong tinatanggap na sila ay mga Muslim sa pananalita bago pa man nila matagpuan ang likas nilang paniniwala ayon sa kasulatan ng Dakilang Qur’an na ipinahayag sa kahuli-hulihang propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan).
“O kayong naniwala! Magsipagyuko at magpatirapa, at sambahin ang inyong Panginoon at gumawa ng kabutihan upang kayo ay magsipagtagumpay.´(The Noble Qur’an 22:77)
Inyo nang nakita kung paano ipinakikita ng sangkatauhan ang monotiesmo (o paniniwala sa pagka-iisa ng Diyos) na ito ay hindi maaaring paghihiwalayin mula sa likas na katayuan ng tao. Sa kasalukuyan, ang iba sa mga tao ay naniniwalang sila ay sumusunod sa mga pamamaraan ni Hesus, Abraham, at Moises (sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan) samantalang (hindi nila alam na) sila ay napalayo mula sa landas (ni Hesus). Sa panig ng Kristiyanismo, ang tao ay nagkamali sa paggawa ng kabuuang pananampalataya kay Propeta Hesus at ginawan siya ng isang bagay na kahit kailanman ay hindi niya tinanggap na siya ay ganun.
Ngayon, magtanong kayo ng may higit na tiwala sa inyong mga sarili, sino ba sa ngayon ang tunay na sumusunod sa mga ehemplo ni Hesus? Upang inyong malaman, ang mga Muslim ay mapagkumbabang nagdadasal na ang kanilang noo ay nakadikit sa lupa ng hindi bababa ng limang beses sa isang araw.
Ang mga Muslim ay sumusunod sa Relihiyon ni Hesus: ang paniniwala na kanyang sinasabi at isinasagawa. Ganoon din, na ang mga Muslim ay sumasamba sa iisang Diyos na sinasamba ni Hesus; Ganoon din ang dini-Diyos nina Abraham, Moises at Muhammad (sumakanilang lahat nawa ang kapayapaan).
Ang mga Muslim ay binabati rin nila ang kapwa Muslim ng katagang “Sumainyo nawa ang Kapayapaan” at ganun din ang pag-aayuno kahalintulad ng pag-aayuno ni Hesus ng apa’t napung araw sa kagubatan. Ang mnga Muslim ay nag-aayuno sa loob ng isang buwan sa buong buwan ng Ramadhan.
Sa kabuuan, ay dapat tayong mapagkumbaba sa ating mga sarili at magdasal kasingtulad ng mga Propetang ito, at malugod naming kayong inaanyayahang i-downlosd ang aklat ng mga Pagdarasal (Salaah) mula sa aming site.