FacebookTwitterYouTubeDailymotionScribdCalameo
SlideshareIssuuPinterestWhatsAppInstagramTelegram
Chat About Islam Now
Choose your country & click on the link of your language.
Find nearby Islamic centers & GPS location on the map.

Our Islamic Library contains:
Islamic TVs channels LIVE
Islamic Radios LIVE
Multimedia ( Videos )
Multimedia ( Audios )
Listen to Quran
Articles
Morality in Islam
Islam Q & A
Misconceptions
Interactive files & QR codes
The Noble Qur'an
Understanding Islam
Comparative Religions
Islamic topics
Women in Islam
Prophet Muhammad (PBUH)
Qur'an and Modern Science
Children
Answering Atheism
Islamic CDs
Islamic DVDs
Presentations and flashes
Friend sites

Articles' sections



Author:


Go on with your language:
qrcode

ANG PAMAMAALAM NA SERMON NG PROPETA MUHAMMAD Sumakanya nawa ang kapayapaan (SKNK)

Viewed:
1403

ANG PAMAMAALAM NA SERMON NG PROPETA MUHAMMAD Sumakanya nawa ang kapayapaan (SKNK)

Ang Pamamaalam na Sermon (Arabic: Khutbatul Wada'), ay kanya itong itinalumpati noong ika-Siyam na Araw ng Thul Hijjah 10 A.H. (632 CE.), Sa 'Uranah bundok ng Arafat' (sa Makkah).

Pagkatapos niyang puriin at pagpapasalamat sa Allah (Diyos), sinabi ng Propeta Muhammad (SKNK):

"O Sangkatauhan, ituring ninyo ang buwan na ito, ang araw na ito, ang lungsod na ito bilang sagrado, kaya ituring ang isang buhay at ari-arian ng bawat Muslim bilang sagradong pagtitiwala. Ibalik ang mga bagay na ipinagkatiwala sa iyo sa mga mga nararapat na may ari nito. Huwag manakit ng sinuman upang ikaw ay hindi rin masaktan ng sinuman. Huwag kalilimutan na tiyak magkikita ng inyong Panginoon, at tiyak Kanyang bibilangin ang inyong mga gawa. Ipinagbabawal ng Allah ang pagkukuha ng patubuan (interest, Arabic: Riba); samakatuwid, lahat ng may pananagutan sa interest ay dapat talikdan. Ang inyong puhunan, ay para sa inyo upang itago. Walang pagdurusa o anumang hindi pagkamakatarungan ang dadanasin ninyo. Hatol ng Allah na dapat ay walang patubuan (interest) at lahat ng tubung nararapat kay Al Abbas Ibn Abd Al Muttalib (ang tiyuhin ng propeta) ay dapat ng talikdan. 

Mag-ingat kay Satanas para sa kaligtasan ng inyong relihiyon. Siya ay nawalan ng pag-asa na kayo ay kanyang maililigaw sa mga malalaking bagay, kaya mag-ingat sa pagsunod sa kanya sa mga maliliit na bagay.

O Sangkatauhan, tunay na mayroong kayong tiyak na karapatan hinggil sa inyong mga kababaihan, subalit mayroon din silang karapatan sa inyo. Huwag kalilimutan na sila ay inyong kinuha bilang mga asawa, sa ilalim ng pagtitiwala at pahintulot ng Allah. Kung sila ay sumunod sa inyong karapatan samakatuwid, nararapat na sila ay tustusan at damitan ng inyong awa. Tratuhin sila ng maayos at maging maawain sa kanila,  dahil sila ay inyong kasama at katulong sa lahat ng bagay. At inyong karapatan na sila ay huwag makipagkaibigan sa sinumang hindi ninyo pinapayagan, ganun din na sila ay huwag kailanman gumawa ng bagay na masagwa.

O Sangkatauhan, makinig sa akin ng taimtim, sambahin ang Allah, isagawa ang limang mga pagdarasal araw-araw (Salah), mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan, and give from your wealth in Alms (Zakat). Isagawa ang Banal na Paglalakbay (Hajj) kung kayo may kakayahan. 

O Sangkatauhan, ang inyong Diyos (Allah) ay iisa, lahat ng tao ay mula kay Adan, ang Arabo ay walang anumang kahigtan sa hindi-Arabo, o di kaya ay may kahigtan ang hindi-Arabo sa isang Arabo; ganun din ang maputi sa maitim, o di kaya ay may anumang kahigtan ang itim sa maputi maliban sa pananampalataya at magandang gawain. Unawain, ang bawat Muslim ay kapatid ng bawat Muslim at ang mga Muslim ay binubuo ng isang pagkakapatiran. Hindi nararapat sa isang Muslim ang anumang pag-aari ng kapuwa Muslim maliban kung ito ay kusang ibinigay. Samakatuwid, huwag gawan ng hindi makatarungan ang iyong mga sarili.

Tandaan, isang araw ay haharap kayo sa Allah upang panagutan ang inyong mga ginawa. Kaya mag-ingat, huwag lumihis sa tamang landas pagkaraan ko.

O Sangkatauhan, walang Propeta o Sugo na darating pagkaraan ko at walang panibagong pananampalataya na ipanganganak. Sumagot ng mahusay, O Sangkatauhan, at unawain ang mga salitang aking ipinarating sa inyo. May dalawang bagay na aking iiwan, ang Qur’an at ang aking halimbawa (ang Sunnah), at kung ito ay inyong sundin, kailanman ay hindi kayo maliligaw.

Ang lahat ng nakinig sa akin ay dapat nilang ipamahagi ang aking salita sa iba at  ganun din sa iba; Marahil, karamihan sa mga nakatatanggap sa aking salita ay mauunawaan nila ng higit kaysa sa mga direktang nakinig sa akin."     

Bilang kabahagi ng sermon na ito, ang Propeta Muhammad (SKNK) ay binasa sa kanila ang Kapahayagan mula sa Diyos (Allah) na katatanggap lamang niya: "...Sa araw na ito, tuluyan nang isinuko ng mga hindi-nanampalataya ang lahat ng pag-asa ng iyong relihiyon, kaya huwag ninyo silang katakutan, Ako lamang ang (dapat) ninyong katakutan. Sa araw na ito, Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, Aking ginawang lubos ang pagpapala sa inyo at pinili para sa inyo ang Islam bilang inyong relihiyon..." (Ang Banal na Qur'an 5:3).

Sa pagtatapos ng kanyang sermon, ang Propeta Muhammad (sknk) ay nagtanong: "O sangkatauhan, akin bang naipahayag sa inyo ang mensahe?"

Ang malakas ng bulong ng pagsang-ayon "O Allah, Opo", na nagmumula mula sa libo-libong mga taong gumagawa ng hajj at ang malakas na tunog ng salita ay parang kulog na gumugulong sa lahat ng kabundukan.

Sinabi ng Propeta Muhammad (sknk): "Kayo ang aking saksi, O Allah, na aking naiparating ang Iyong mensahe sa sangkatauhan."

www.islamic-invitation.com

 
All copyrights©2006 Islamic-Invitation.com
See the Copyrights Fatwa